Offline
42-ANYOS ARESTADO SA IKINASANG ANTI-ILLEGAL DRUG OPS SA MABAYUAN
News
Published on 13/03/2025 by Jaya Falsario
Nasabat ng at PS5-SPDEU ang humigit kumulang nasa P25,976 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation (buy-bust) sa Mercurio St., Brgy. Mabayaun, Olongapo City noong ika-9 ng Marso 2025, ganap na 2:50 ng umaga.
Timbog ang lalaking suspek na 42 taong gulang at residente ng Ohio St., Brgy. Kalaklan (Upper), Olongapo City.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang apat (4) na plastic sachets ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang 3.82 gramo at 500-peso bill na buy-bust money.
Dinala sa PS5 ang mga nakalap na ebidensya at ang suspek, at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online