Timbog ang 48 taong gulang na lalaki matapos mahulihan ng nasa humigit kumulang 3 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Alba St., Brgy. East Tapinac, Olongapo City noong ika-22 ng Pebrero 2025, ganap na ika-7:50 ng gabi.
Inaresto ng kapulisan ng CPDEU (lead unit) at PS3-SPDEU ang suspek, isang SLI Listed, at residente ng 1 Lindayag St., Brgy. East Tapinac, Olongapo City.
Nasa P20,400 halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng mga awtoridad at 500php marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa Section 5, Section 26 in relation to section 5 and Section 11, under Article II of R.A. 9165.