Nasabat ng mga operatiba ng CPDEU at PS3-OCPO ang P34,000 halaga ng hinihinalang shabu sa pagpapatupad ng Search Warrant No. 2025-08 sa 15B Bonifacio Extension, Barangay Pag Asa, Olongapo City noong ika-14 ng Pebrero 2025, bandang 1:45 ng madaling araw.
Arestado ang lalaking suspek na 45-taong gulang, at residente ng naturang lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang itim na pouch na naglalaman ng pitong (7) piraso ng maliliit na heat-sealed na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 5 gramo.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa CPDEU office para sa disposisyon at pagsasampa ng kaso kaugnay ng paglabag sa R.A. 9165.