Nasamsam ng PS3-SPDEU ang humigit kumulang nasa P20,400 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Gatbunton St., corner 12th St., Brgy. New Kalalake, Olongapo City noong ika-8 ng Pebrero, ganap na ika-8:15 ng gabi.
Timbog ang lalaking suspek na 29 taong gulang at residente ng Brgy. New Kalalake.
Nakumpiska ng awtoridad ang tatlong (3) pakete ng heat sealed plastic sachets ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang 3 gramo, 500-peso na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.