Offline
29-ANYOS NA SLI LISTED TIMBOG SA IKINASANG BUY-BUST SA BARRETTO
News
Published on 13/02/2025
Timbog ang 29 taong gulang na lalaki matapos mahulihan ng nasa humigit kumulang 0.99 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Jasmine Street, Barangay Barretto, Olongapo City noong ika-8 ng Pebrero 2025, ganap na ika-7:30 ng gabi.
Inaresto ng kapulisan ng PS6-SPDEU ang suspek, isang SLI Listed, at residente ng White Rock, Barangay Matain, Subic, Zambales.
Nasa P6,732 halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng mga awtoridad at tatlong daang marked money.
Dinala sa Police Station 6 ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa Section 5, Section 26 in relation to section 5 and Section 11, under Article II of R.A. 9165.
Comments

Chat Online