Offline
IMPEACHMENT NI VP SARA DUTERTE, APRUBADO NA NG KAMARA
News
Published on 06/02/2025
Inaprubahan ng House of Representatives nitong ika-5 ng Pebrero 2025 ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa ilang mga alegasyon, kabilang ang umano'y pakikipagsabwatan upang ipapatay si President Ferdinand Marcos Jr., pag-abuso sa pondo ng gobyerno noong siya ay Vice President at dating DepEd Secretary, at pagkabigong kondenahin ang agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Nakakuha ng suporta ang impeachment mula sa hindi bababa sa 215 na mambabatas, na lumampas sa kinakailangang bilang upang maisulong ang kaso sa Senado.
Kabilang sa mga sumuporta sina House Speaker Martin Romualdez at ang anak ng pangulo na si Rep. Sandro Marcos.
Mariing itinanggi ni Vice President Duterte ang mga paratang, habang tinawag ng kanyang kapatid na si Rep. Paolo Duterte ang impeachment bilang "isang malinaw na anyo ng political persecution."
Inihayag ni Senate President Francis Escudero na magsisimula ang impeachment trial sa Senado sa June 2, 2025, kapag muling nagbukas ang Congress matapos ang midterm elections.
Binigyang-diin niya na kailangang manumpa bilang mga jurors ang mga senador bago magsimula ang trial.
Comments

Chat Online