Offline
2 LALAKI TIMBOG SA IKINASANG BUYBUST SA MABAYUAN
News
Published on 04/02/2025
Nasamsam ng CPDEU (Lead Unit) at PS5-SPDEU ang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Nieves St., Brgy. Mabayuan, Olongapo City noong ika-30 ng Enero 2025, ala-una ng madaling araw.
Timbog ang dalawang lalaking suspek, isang 29 taong gulang at ang isa nama’y 40 taong gulang na SLI Listed, mga residente ng Mabayuan at West Bajac-bajac.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang 5 gramo at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang mga suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online