Matagumpay na itinaboy ng BRP Teresa Magbanua ang Chinese Coast Guard (CCG) na may hull number CCG-3304 mula sa baybayin ng Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard nitong Huwebes.
Sa kanilang, ang naturang barko ng Tsina ay kasalukuyang nasa tinatayang 100 hanggang 105 nautical miles ang layo mula sa lugar.
Ayon sa PCG, iginiit ng CCG-3304 na sila ay nagpa-patrol sa loob ng maritime jurisdiction ng Tsina at tumangging kilalanin ang arbitral award.
Sa kabila nito, patuloy umanong ipinaabot ng BRP Teresa Magbanua na walang legal na awtoridad ang barko ng Tsina at nilalabag nito ang Philippine Maritime Zones Act, ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at ang 2016 arbitral award.
Dagdag pa ng PCG, binabantayan din nila ang tatlo pang barko ng Tsina na nasa baybayin ng Zambales.
Tinukoy nila na ang CCG-5901 ay nasa tinatayang 103.63 nautical miles ang layo, ang CCG-3502 ay nasa humigit-kumulang 115.22 nautical miles, at ang CCG-3103 ay nasa posisyong 134.10 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.