Nasabat ng CPDEU (lead unit) at PS1-SPDEU ang humigit kumulang nasa P374,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Brgy. East Bajac-bajac, Olongapo City noong ika-18 ng Enero 2025, ganap na 11:40 ng gabi.
Arestado ang lalaking suspek na 47 taong gulang at residente ng Purok 4, Brgy. Betican, Bacolor, Pampanga.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang limang (5) heat sealed plastic sachets ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang 55 gramo at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.