Nagsagawa ang Philippine National Police (PNP), katuwang ang Commission on Elections (COMELEC), ng mga checkpoint sa buong bansa nitong Enero 12, 2025, bilang hudyat ng pagsisimula ng election period para sa 2025 national at local elections.
Layunin ng mga checkpoint na ipatupad ang gun ban, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at maiwasan ang anumang election-related violence sa nalalapit na halalan.
Sa lungsod ng Olongapo, pinangunahan ni PLTCOL Joan S. Sibayan ng Olongapo City Mobile Force Company (OCMFC) ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Charlie D. Umayam (City Ditector of OCPO), katuwang ang mga opisyal ng COMELEC.
Binigyang-diin ng PNP at COMELEC ang mahigpit na pagpapatupad ng gun ban, kung saan mahaharap ang mga lumalabag sa legal na parusa alinsunod sa batas ng eleksyon.
Hinihikayat ang publiko na makipagtulungan upang masiguro ang isang mapayapa, maayos, at maaasahang halalan na gaganapin sa Mayo 12, 2024.
Itinakda ang panahon ng pangangampanya para sa mga kandidato sa pagka-senador at mga paRty-list group mula ika-11 ng Pebrero hanggang ika-10 ng Mayo 2024.
Samantala, magsisimula naman sa Marso 28 ang campaign period para sa House of Representatives, legislative, provincial, city, at municipal elections na magtatapos sa Mayo 10, 2024.