Ayon sa PAGASA, bahagyang humina ang Shearline ngayong Martes, Enero 14, 2024, ngunit inaasahang magpapatuloy ang maulang panahon.
Patuloy na nakakaapekto sa Luzon ang hanging Amihan, na nagdudulot ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at panaka-nakang mahihinang pag-ulan partikular na sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon, gayundin sa Metro Manila.
Samantala, magdadala ang Esaterlies ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa iba pang bahagi ng bansa.
Wala namang inaasahang bagyo o weather disturbance sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang Enero 26, 2024, ayon sa PAGASA.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at maghanda sa posibleng mga pag-ulan.