Nakabuo ang ilang mga Grade 11 students mula sa Regional Science High School III sa Olongapo City ng isang awtomatikong Sistema para sa paglilinis ng oil spill.
Ani Kyan Dimakiling, isa sa mga nag-develop nito, "We decided to create RapunZpill because we wanted to introduce a more efficient and more ecologically friendly solution to clean up oil spills.”
Kilala na ang paggamit ng buhok ng tao at aso para mangalap ng langis, ngunit sinabi ng mga estudyante na nais nilang gawing awtomatiko ang buong proseso.
"The discovery that hair could collect oil was a breakthrough, but it was not safe because it uses manual labor. Naisip po namin na, we could automate this process," ani Samantha Ferido, na isa ring developer.
Nakakakolekta sa mock tests ng hanggang sa 92.54% ang prototype na may distance sensor.
Ayon sa ulat, tatlong disenyo ang ginawa ng mga estudyante bago nila nakuha ang panghuling produkto.
(Source: GMA News/24 ORAS)