Offline
40K HALAGA NG SUSPECTED SHABU NASABAT SA KALAKLAN
News
Published on 07/01/2025
Nakumpiska ng CPDEU (lead unit) at PS1-SPDEU ang humigit kumulang nasa P40, 800 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa 105 Purok 3 Lower, Brgy. Kalaklan, Olongapo City nitong January 4, 2025 ganap na ika-9:10 ng gabi.
Arestado ang lalaking suspek (SLI listed) na 47 taong gulang at residente ng 113 Purok 3, Lower, Brgy. Kalaklan, Olongapo City.
Nasamsam ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may timbang na 6 gramo at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165
Comments

Chat Online