Offline
BABAE ARESTADO SA IKINASANG BUY-BUST SA EAST TAPINAC
News
Published on 17/12/2024
Nasabat ng CPDEU (Lead Unit) at PS3-SPDEU ang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Alba St., Brgy. East Tapinac, Olongapo City noong ika-13 ng Disyembre 2024.
Timbog ang babaeng suspek (SLI Listed) na 42 taong gulang at residente ng Ponera St. Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang 5 gramo at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online