Offline
LALAKI TIMBOG SA ROBBERY SA NEW CABALAN; NAHULIHAN PA NG SUSPECTED SHABU
News
Published on 12/12/2024

Arestado ang isang lalaki sa New Cabalan matapos pasukin ang tindahan at itangay ang pera na nagkakahalaga ng P55,000 at walong ream ng sigarilyo na may kabuuang halaga na aabot sa P12,400.

Nabatid ng may-ari ng tindahan ganap na ika-8:00 ng umaga noong Disyembre 7, 2024 na ang roll-up door ng kanyang tindahan ay sapilitang sinira.

Nagsagawa naman ang mga awtoridad ng PS4 ang isang manhunt follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagbawi ng walong ream ng sigarilyo.

Habang sinisiyasat ito, nakumpiska rin mula sa kanya ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.16 gramo at may standard drug price na P1,088.

Dinala sa PS4 ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online