Offline
4 MANGINGISDA MULA SUBIC, 6 ARAW NA NAWAWALA MALAPIT SA PANATAG SHOAL
News
Published on 03/12/2024
Apat na mangingisda mula sa Subic, Zambales ang nawawala habang nasa laot, tinatayang 74 kilometro (40 nautical miles) hilagang-silangan ng Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea (WPS) noong Nobyembre 27, 2024.
Binubuo ng 12 tripulante ang kanilang grupo, at umalis mula Barangay Calapandayan noong Nobyembre 20 patungong Panatag Shoal (Bajo de Masinloc).
Sa araw ng pagkawala, ang apat na mangingisda ay naglayag gamit ang maliliit na motorized na bangka upang mangisda gamit ang kawil, ngunit hindi na sila bumalik sa kanilang mother vessel.
Samantala, patuloy na naghahanap ang kapitan at ang natitirang walong tripulante sa WPS upang mahanap ang kanilang mga nawawalang kasamahan.
Comments

Chat Online