Offline
P102K NG SUSPECTED SHABU NASAMSAM SA OLONGAPO
News
Published on 26/11/2024

Nakumpiska ng CPDEU at PS1-SPDEU ang nasa P102,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Anonas St., Brgy. West Bajac-Bajac, Olongapo City ganap na ika-12:45 ng madaling araw, Nobyembre 26, 2024.

Naaresto ng mga awtoridad ang babaeng suspek (SLI Listed) na 31 taong gulang at residente ng Purok 2, Brgy. Saguing, Dinalupihan, Bataan.

Nasamsam ang anim (6) na pakete ng suspected shabu na may timbang na 15 gramo, at 500-peso bill na marked money.

Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.

Comments

Chat Online