Offline
P30,600 HALAGA NG SUSPECTED SHABU NASAMSAM SA BARRETTO
News
Published on 21/11/2024
Nasabat ng CPDEU (Lead Unit) at PS6-SPDEU ang humigit kumulang nasa P30,600 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Del Pilar St., Brgy Barretto, Olongapo City noong November 19, 2024 ganap na ika-12:20 ng hatinggabi.
Timbog ang lalaking suspek (SLI Listed) na 27 taong gulang, residente ng Purok 2, Brgy. Asinan Proper, Subic, Zambales.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may timbang na 4.5 gramo at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online