Offline
Bagyong Nika, nag-landfall na sa Aurora; TCW Signal No. 1 nakataas sa Zambales
News
Published on 11/11/2024
Batay sa pinaka-huling ulat ng PAGASA, nag-landfall na sa Dilasag, Aurora ang bagyong Nika at kasalukuyang tumatawid sa Hilagang Luzon.
Tatawid ito sa landmass ng Luzon at inaasahan lalabas sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Ilocos Sur mamayang hapon o gabi.
Taglay ng bagyong Nika ang lakas ng hangin na umaabot sa 130km/h malapit sa sentro, at bugso na aabot sa hanggang 180km/h, at central pressure na 965 hPa.
Inaasahang magpapatuloy ang pagkilos nito papuntang kanluran hilagang-kanluran hanggang Huwebes (November 14) bago lumiko patungong kanlurang timog-kanluran sa Biyernes (November 15) at sa mga susunod na araw.
Posibleng humina ang bagyong Nika at maging isang severe tropical storm habang tumatawid sa kalupaan ng Luzon.
As of 10 AM ngayong araw ng Lunes, iniulat ng PAGASA na bukod sa Bagyong NikaPH, may isa pang binabantayang bagyo at isang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Nakataas naman sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon kabilang na ang northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso).
Comments

Chat Online