Offline
ANTI-ILLEGAL DRUG OPS IKINASA SA NEW CABALAN, 52 ANYOS TIMBOG
News
Published on 08/11/2024

Tinatayang nasa 0.39 gramo ng suspected shabu ang nasabat sa isinagawang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Mayon St., Purok 1, New Cabalan, Olongapo City noong Linggo, ika-3 ng Nobyembre 2024.

Timbog ang isang lalaking suspek, 52 taong gulang (SLI listed) na residente ng Apitong Ext., Purok 6, Old Cabalan, Olongapo City.

Nakumpiska ng PS4 SPDEU-OCPO ang nasa P2,652 halaga ng hinihinalang shabu at P200 marked money.

Dinala sa Police Station 4 ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.

Comments

Chat Online