Offline
BANGKA NA NAGLALAMAN NG KARBON, LUMUBOG SA BAYBAYIN NG MASINLOC, ZAMBALES
News
Published on 30/10/2024

Sumadsad at lumubog sa baybayin ng Masinloc, Zambales ang isang barge na may lamang karbon sa kasagsagan ng malakas na bagyong Kristine, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng nasabing bayan.

Ayon kay Joel Tovera, disaster officer ng Masinloc, sumadsad muna ang bangka bago tuluyang lumubog dahil sa malalakas na alon na dala ng bagyo noong nakaraang linggo. Sinasabing iniwan ng mga tripulante ang bangka.

“I’m happy to say na ‘yung mga tripulante nakababa naman nang maayos at lahat sila ay safe. The problem is dahil sa malakas na alon, napuno ng tubig kaya lumubog nang tuluyan [‘yung barge]. Wala nang tripulante ‘yung barge ng lumubog. Inabandon kasi sumadsad sila,” ani Tovera.

Ayon sa mga ulat, ang bangka ay may dalang halos 11,000 metrikong toneladang karbon na ayon kay Tovera ay para sa isang planta ng kuryente. Tulad ng anumang foreign object na ipinasok sa isang marine ecosystem, aniya ay maaari itong magdulot ng negatibong epekto.

Saad niya, “Coal is carbon-based. And carbon does affect the marine ecosystem in the most negative way. Marine sanctuary ‘yan – it’s where the fish lay eggs.”

Mabuti na lamang umano ay nasa solid form ang karbon na dala ng bangka.

 

Ilan sa mga karbon sa Masinloc ang naanod na sa baybayin habang ang iba ay nananatiling nasa ilalim ng tubig. Ipinaliwanag ni Tovera na sa kasalukuyan, hindi nila hinihikayat ang mga tao na kunin ang karbon, at wala rin namang anumang pagsisikap na gawin ito dahil sa malalakas na alon sa lugar.

Comments

Chat Online