Inaasahang kikilos pahilaga o pakanluran-hilagang-kanluran sa bahagi ng West Philippine Sea ang Severe Tropical Storm Kristine at lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng hapon, Oktubre 25.
Sa mga susunod na araw, posible itong bumalik sa West Philippine Sea sa araw ng Linggo at Lunes, at gumalaw pakanluran o kanlurang-hilagang-silangan pabalik sa direksyon ng PAR. Ang senaryong ito ay nakadepende sa magiging galaw ng isang low pressure area (LPA) na inaasahang magiging tropical depression sa susunod na 24 oras sa silangan ng PAR.
Inaasahan ding lalakas muli si Kristine habang nasa West Philippine Sea. Bagamat inaasahan na mananatili itong isang severe tropical storm sa susunod na limang araw, hindi rin isinasantabi ang posibilidad na maging isang bagyo (typhoon) ito.
Nakataas pa rin sa TWC No. 2 ang Zambales, at nag-abiso ang PAGASA ng Orange Rainfall Advisory.