Posibleng lumakas pa bilang isang severe tropical storm ang #BagyongKristine ngayong araw habang nasa karagatan silangan ng Quezon.
Ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Miyerkules ganap na ika-7:00 ng umaga, ang bagyo ay namataan 310 km silangan ng Baler, Aurora, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kph at bugso na hanggang 105 kph. Ito ay kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasahang tatama ito sa kalupaan sa bahagi ng Isabela o hilagang Aurora nitong Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling araw.
Magdadala ito ng malalakas hanggang napakalakas na ulan sa Hilagang Luzon, Aurora, Quezon, at rehiyon ng Bicol ngayong Miyerkules.
Nakataas na ang Signal No. 2 sa Zambales, Pampanga, Bulacan Tarlac, at iba pang lugar sa Region 1, 2, CAR, at Bicol Region.