Nasamsam ng CPDEU at PS5-SPDEU ang humigit kumulang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Manansala St., Sta. Rita Village, Brgy Sta. Rita, Olongapo City noong October 19, 2024 ganap na ika-10:40 ng gabi.
Timbog ang babaeng suspek na 29 taong gulang at residente ng Manansala St., Sta. Rita Village, Brgy. Sta. Rita, Olongapo City.
Nasamsam ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may timbang na 5 gramo, at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.