Patuloy na lumalakas ang Tropical Depression Kristine habang kumikilos pa-kanluran sa direksyong timog-kanluran sa Philippine Sea. Itinaas na ang Wind Signal No. 1 sa 15 probinsya sa Southern Luzon, Eastern Visayas, at Caraga.
Sa ulat ng PAGASA kaninang 10 a.m. ngayong Lunes, si #KristinePH ay namataan 870 km silangan ng Silangang Visayas na may lakas ng hangin na 55 kph at bugso hanggang 70 kph. Kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 30 kph. Ang malalakas na hangin mula sa bagyo ay umaabot ng hanggang 550 km mula sa sentro nito.
Inaasahang kikilos pa-hilaga-kanluran si #Kristine sa susunod na mga araw at patuloy pang lalakas hanggang sa umabot sa lakas ng isang bagyo bago ito mag-landfall sa Cagayan sa Biyernes ng umaga.
Maraming bahagi ng bansa ang makararanas ng mga pag-ulan ngayong Lunes dahil sa trough nito.