Offline
PHILIPPINES REMAINS AS THE WORLD'S LEADING RICE IMPORTER
News
Published on 18/10/2024

Inaasahang tataas pa ang importasyon ng bigas sa Pilipinas sa taong 2025 sa 4.9 milyong metriko tonelada (MT) dahil sa mas mababang ani mula sa mga lokal na bukirin.

Sa taong ito at sa susunod, patuloy na magiging “top” importer ng bigas ang Pilipinas sa buong mundo, dulot ng mga epekto ng El Niño, La Niña, at mga nagdaang bagyo na nakaapekto sa lokal na produksyon.

Ayon sa pinakahuling ulat ng US Department of Agriculture, tinatayang aabot sa 4.7 milyong metriko tonelada ang importasyon ng bigas sa bansa ngayong taon, na may 2.2% na pagtaas mula sa naunang estimation na 4.6 milyong metriko tonelada. Ito ay resulta ng mataas na demand para sa bigas mula sa bansang Vietnam.

Comments

Chat Online