Ayon sa PAGASA, ang amihan o northeast monsoon, na senyales ng pagsisimula ng malamig na panahon na kaugnay ng Pasko,ay maaari nang magsimula sa susunod na lingo.
Karaniwang nagsisimula ang amihan season sa pagitan ng ikalawang linggo ng Oktubre at kalagitnaan ng Nobyembre, ayon kay Lorie Dela Cruz, PAGASA weather forecaster.
Batay sa ulat ng PAGASA kamakailan, “Recent analyses showed a significant weakening of the southwest monsoon over the past few days
“Moreover, strengthening of the high pressure system over East Asia has been observed…. With these developments, the southwest monsoon season has officially ended,” dagdag pa nila.
Samantala, nakaaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas ang mga easterlies o mainit na hangin mula sa Pasipiko, ayon kay Dela CruZ.
Batay sa ulat ng PAGASA, magdudulot ang easterlies ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga lalawigan ng Isabela, Aurora, at Quezon.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, at iba pang bahagi ng Luzon.
Maaari ring makaranas ng localized thunderstorms ang iba pang bahagi ng bansa, dagdag pa ng PAGASA.