Offline
₱1.5M HALAGA NG SUSPECTED DRIED MARIJUANA FRUITING TOPS NASABAT SA STA. RITA, OC
News
Published on 08/10/2024

Umaabot sa ₱1.5 milyon ang halaga ng hinihinalang dried marijuana fruiting tops na nakumpiska ng mga kapulisan na pinangunahan ng CPDEU, kasama ang mga operatiba ng PS5 SPDEU at PIU Zambales sa ikinasang buy-bust operation sa Clark St., Brgy Sta. Rita, Olongapo City na nagresulta rin sa pagkaaresto sa dalawang drug suspects nitong Martes, October 8, ganap na ika-4:50 ng umaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na mga residente ng Clark St., Brgy. Sta. Rita, OC (32 years old, SLI Listed) at Sitio Matangib, Brgy. Cawag, Subic, Zambales (34 years old).

Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang pirasong ziplocked air tight, 10 bricks ng mga hinihinalang suspected dried marijuana fruiting tops, at 1000-peso marked money.

Humigit-kumulang sa sampung kilo ang timbang ng dried marijuana na nagkakahalaga ng ₱1,500,000 ang nakumpiska mula sa mga suspek, na kapwa nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments

Chat Online