Offline
P68,000 HALAGA NG SUSPECTED SHABU NASABAT SA BARRETTO, OC
News
Published on 02/10/2024
Nakumpiska ng CPDEU at PS6-SPDEU ang humigit kumulang nasa P68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Abra St., Brgy Barretto, Olongapo City noong September 28, 2024 ganap na ika-10:50 ng gabi.
Timbog ang lalaki at babaeng suspek na mga 44 at 54 taong gulang at parehong residente ng No. 77 Abra St, Brgy. Barretto, Olongapo City.
Nasamsam ang tatlong (3) pakete ng suspected shabu na may timbang na 10 gramo at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online