Offline
BAGYONG JULIAN BAHAGYANG LUMAKAS; INAASAHANG LALABAS NG PAR SA OCT. 3
News
Published on 29/09/2024
Batay sa 8:00 P.M. advisory ng PAGASA, bahagyang lumakas ang Bagyong #Julian habang palapit sa Batanes.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 190 km East northeast ng Calayan, Cagayan o 150 km east southeast ng Batanes na may lakas ng hangin na 140 kph malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 170 kph. Kumikilos ito pa-Northwestward sa bilis na 15 kph.
Patuloy itong magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa kabilang na ang Zambales, Bataan, Metro Manila, at iba pang mga karatig na lugar.
Comments

Chat Online