Offline
P34,000 HALAGA NG SUSPECTED SHABU NASAMSAM SA STA. RITA
News
Published on 23/09/2024

Nakumpiska ng CPDEU at PS5-SPDEU ang humigit kumulang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Cabling St., Brgy Sta. Rita, Olongapo City noong September 21, 2024 ganap na ika-4:20 ng madaling araw.

Timbog ang dalawang lalaking suspek na 45 at 46 taong gulang at mga residente ng Brgy. Sta. Rita at New Kalalake, Olongapo City.

Nasamsam ang apat (4) na pakete ng suspected shabu na may timbang na 5 gramo, at 500-peso bill na marked money.

Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165. 

Comments

Chat Online