Timbog ang 23 taong gulang na lalaki matapos mahulihan ng nasa humigit kumulang 0.71 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Arthur St., Brgy. West Bajac-Bajac, Olongapo City noong ika-16 ng Setyembre 2024, ganap na ika-10:00 ng gabi.
Inaresto ng kapulisan ng PS1-SPDEU ang suspek na residente umano ng No. 16 upper De Aro St., Brgy. Mabayuan, Olongapo City.
Nasa P4,828 halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng mga awtoridad at dalawang-daang marked money.
Dinala sa Police Station 1 ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa Section 5, Section 26 in relation to section 5 and Section 11, under Article II of R.A. 9165.