Offline
KASO NG MPOX SA BANSA PUMALO NA SA 18
News
Published on 17/09/2024

Nadagdagan pa ng tatlong bagong kaso ng mpox (dating kilala bilang monkeypox), na nagdala sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Pilipinas sa 18.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang mga bagong kaso ay naitala hanggang Agosto 18 at karamihan sa mga ito ay lalaki mula sa rehiyon ng Calabarzon.

“As of August 18, labingwalo na po ang ating confirmed mpox cases.”

Ipinaliwanag pa ni Herbosa na ang mga bagong kaso ay walang kaugnayan sa isa't isa.

Pinaghihinalaan ng kalihim na posibleng may mga pasyente na tinamaan ng mpox na hindi agad nagpakonsulta sa doktor, at ito ang pinagmulan ng kanilang pagkakahawa.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na agad magpakonsulta sa doktor kung makakaranas ng mga sintomas ng mpox. Tiniyak din ng kagawaran na wala pang naitalang namatay sa mpox sa bansa, dahil karamihan sa mga kaso ay mild lamang.

Comments

Chat Online