Ayon sa ulat ng PAGASA, minomonitor pa rin ang "" (international name) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling itong namataan sa layong 1,885 kilometro silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 125 km per hour.
Kasalukuyang nagdudulot ng malawakang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang trough ng severe tropical storm Bebinca, partikular na sa Luzon.
Batay sa PAGASA, posible itong pumasok sa PAR bukas (Biyernes), ika-13 ng Setyembre, 2024, at tatawagin sa local name na Ferdie.
Patuloy naman nitong palalakasin ang Habagat na siyang magpapaulan sa ilang lugar sa bansa.