Tinatayang nasa 1.65 gramo ng suspected shabu ang nasabat sa sa isinagawang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Lacambra St., Brgy. Barretto, Olongapo City noong Linggo, ika-8 ng Setyembre 2024.
Timbog ang isang lalaking suspek, 33 taong gulang, at residente ng 3F Geminin St. Brgy. Sta. Rita, Olongapo City.
Nakumpiska ng PS6-OCPO SPDEU ang nasa P11,220 halaga ng hinihinalang shabu, at P300 marked money.