Offline
ENTENG NAKALABAS NA NG PAR NGUNIT PINALALAKAS ANG HABAGAT
News
Published on 04/09/2024

Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Enteng ngunit patuloy naman nitong palalakasin ang Habagat na siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa Luzon.

Batay sa 11 A.M. advisory ng PAGASA, nakataas pa rin sa Orange Rainfall Advisory ang Zambales at Bataan. Nasa Yellow Rainfall Warning naman ang Pampanga, Tarlac, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Rizal at Laguna(San Pedro, Cabuyao, Binan, Santa Rosa, Calamba, Los Banos).

Pinag-iingat ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa possibleng pagbaha.

Comments

Chat Online