Offline
TROPICAL STORM ENTENG MULING LUMAKAS SA KATUBIGAN NG ILOCOS NORTE
News
Published on 03/09/2024

Sa tala ng PAGASA dakong 10:40 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Enteng sa layong 100km west northwest ng Laoag City, Ilocos Norte sa bilis na 25 kilometers per hour nitong Martes, ika-3 ng Setyembre.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, posible itong lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng umaga. May posibilidad naman itong lumakas bilang severe tropical storm sa susunod na 12 oras, at maging isang typhoon sa Huwebes.

Comments

Chat Online