Offline
P108,800 HALAGA NG SUSPECTED SHABU NASAMSAM SA BARRETTO
News
Published on 03/09/2024
Nakumpiska ng CPDEU at PS6-SPDEU ang humigit kumulang nasa P108,800 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Gomez St., Brgy Barretto, Olongapo City noong August 30, 2024 ganap na ika-12:05 ng madaling araw.
Timbog ang lalaking suspek na 43 taong gulang at residente ng Sitio Bukid Purok 3C, Calapacuan, Subic, Zambales.
Nasamsam ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may timbang na 16 gramo at 500-peso bill na marked money.
Dinala sa CPDEU ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online