Pinasasauli ng Commission on Audit (COA) ang P73.28 milyon na parte ng P125 milyong confidential funds ni VP SaraDuterte na kanya lamang nagastos sa loob ng 11 days noong Disyembre ng taong 2022. Ito ay dahil ang naturang budget ay itinuturing na “disallowed fund” sa ilalim ng panuntunan ng pamahalaan.
Nalantad sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ang “COA’s notice of disallowance” na may petsang Agosto 8, 2024 sa resolusyon ng tanggapan ni VP Sara na P2.037 bilyong pondo para sa taong 2025.
Magugunitang noong Disyembre 2022 ay ginasta ng OVP ang P125 milyong confidential funds sa loob lamang ng 11 days. Masusing hinimay ng mga mambabatas ang pondo ng OVP at inabot ito ng gabi ngunit walang silang nakuhang sagot mula sa bise presidente.
Paglilinaw ni COA Assistant Commissioner Alexander Juliano na ang “notice of disallowed funds” ay nangangahulugang sobra-sobra ang naging paggasta at wala sa item, na kung ihahalintulad sa gamot ay bultuhan at labis sa pangangailangan na nasayang lamang matapos ma-expire.
“The disallowed expenditures, amounting to nearly two-thirds of the total confidential funds, included payments for rewards in the form of goods rather than cash, and the procurement of tables, chairs, desktop computers and printers — expenses that appeared inconsistent with the intended use of confidential funds,” saad ng COA.
Sinabi naman ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na ang P40-M sa confidential funds ng OVP ay ginasta sa medical at food aid na kinuwestiyon ang mabilisang paggasta sa nasabing halaga.
Ayon naman kay Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, ginamit ang P40-M sa confidential funds ng OVP sa medikal at food aid na kinuwestiyon dahil sa mabilisang paggastos dito.
Dagdag pa ni Castro, “So ang ibig sabihin ito, Madam Chair, konting math, pumapatak na P3.64 million kada araw ang gastos para sa food and medical aid. So hindi natin maintindihan paano ito ginastos in 11 days.”