Batay sa 1:49 p.m. advisory ng PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malalakas na hangin sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, at Laguna.
Kasalukuyan naman itong nararanasan sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, at iba pang karatig na lugar.
Inaasahang magtatagal ito sa loob ng dalawang oras at maaari ring makaapekto sa mga kalapit na probinsya.