Arestado ang isang lalaking suspek matapos sumalakay sa isang compound nang walang dahilan at sinaksak sa kaliwang binti ang biktima sa Aratelis St., Prk. 3, New Cabalan, Olongapo City noong Agosto 26, 2024, ika-7:00 ng umaga.
Mayroon umanong alitan ang dalawa kaya’t may dala itong kutsilyo at saka sumugod sa naturang compound sa New Cabalan at doon nagkainitan.
Agad namang rumesponde ang Purok Leader na siyang nagresulta sa pagkaka-dakip sa suspek at pagkaka-kumpiska ng kitchen knife, at pitakang naglalaman umano ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.47 gramo na may Standard Drug Price na Php3,196.00.
Nahaharap sa mga kasong Trespass to Dwelling, Attempted Homicide at Violation of RA 9165 ang suspek na 24 taong gulang, at residente ng New Cabalan, Olongapo City.
Dinala sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGHM) ang biktima habang ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PS4 para sa wastong proseso.