Batay sa latest epidemiologic data ng Department of Health, tumaas ang mga kaso ng dengue sa bansa ng 39%.
Umaabot na sa 150, 354 ang kaso mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2024, na mas mataas kung ikukumpara sa bilang noong 2023 na nasa 107,953.
Mayroon ding 396 na nasawi dahil sa dengue sa naturang taon, na mas mababa kumpara sa bilang na 421 deaths noong taong 2023.
Naitala rin ang mga pagtaas ng dengue cases sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, liban sa Bicol, SOCCSKARGEN, at Zamboanga Peninsula.
Patuloy naman ang paalala ng Department of Health (DOH) na mag-ingat at sumunod sa kanilang 4S strategy kontra dengue: Search and Destroy, Secure Self-protection, Support Fogging and Spraying, and Seek Early Consultation.
Pinayuhan ang publiko na lalong paigtingin ang strtehiyang ito dahil inasahan pa ang pagtaas ng dengue cases sa rainy season.
Ani Secretary Teodoro J. Herbosa, dapat umanong panatilihing malinis ang paligid, at hanapin at puksain ang breeding grounds ng mga lamok, o ano mang stagnant water sa paligid.