Offline
DISMISSED BAMBAN MAYOR ALICE GUO, NAKALABAS NA NG PILIPINAS
News
Published on 19/08/2024
Nakaalis na ng Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, ayon kay Senator Risa Hontiveros.
 
Inilabas ng senador ang mga dokumentong nagpapatunay na nasa Malaysia na si Guo noon pang July 18.
 
Ayon pa kay Sen. Risa, nagkita-kita sina Guo at ang kanyang mga kaanak na sina Lin Wen Yi at Guo Jian Zhong sa bansang Singapore.
 
“Who allowed this travesty to happen? Sino ang may kagagawan nito?” ani Hontiveros.
”Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika,” dagdag pa niya.
 
Saad ni Hontiveros, hindi na-capture ng CCTV ang kanyang imahe, kung kaya’t maaring dumaan siya sa lugar na hindi makikita ang kanyang video image. Posible raw umanong may nagturo sa kanya at hindi lang sa immigration ng Pilipinas, kundi pati sa iba pang ASEAN countries.
Comments

Chat Online