Nabuwag ang isang drug den at naaresto ang pitong indibidwal na sangkot umano sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Murphy St., Brgy. New Kalalake, Olongapo City noong August 9, 2024 ganap na ika-7:20 ng gabi.
Inaresto ng mga awtoridad ang pitong lalaking suspek; isang 26, 40, at 42 years old na mga residente ng Barangay New Kalalake; isang 36 at 22 years old na mga taga-Pagasa; at isang 29 at 20 years old na mga residente ng Barangay Kalalake at East Bajac Bajac.
Nasamsam sa mga suspek ang 15 gramo ng umano’y shabu na may estimated standard value na P102,000; assorted pieces ng drug paraphernalia; at P500 buy-bust money na ginamit ng undercover agent.
Ang naturang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Tarlac Provincial Office, PDEA Zambales Provincial Office, at Olongapo City Police PS3.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.