Matapos ang makasaysayang pagkamit ng ginto sa Floor Exercise event kagabi, August 3, muling nakasungkit ng Olympic Gold Medal si Carlos Yulo sa final round ng Men's Artistic Gymnastics - Vault ngayong gabi.
Ito na ang ikatlong gold medal ng Pilipinas sa kasaysayan ng Olympics.
Itinanghal bilang kampeon si Yulo sa Men's Vault Finals na nakakuha ng average na 15.116 points.
Nakakuha ng 15.433 points sa kanyang unang vault si Carlos at 14.800 naman sa ikalawa kung saan naungusan niya sina Harry Hepworth (14.949) at Jake Jarman (14.933) mula sa Great Britain, at si Nazar Chepurnyi (14.899) mula sa Ukraine.