Offline
CJ Opiaza stuns in Anahaw-inspired national costume for Miss Grand International 2024
Entertainment
Published on 21/10/2024
Buong pagmamalaking iwinagayway ni CJ Opiaza mula Castillejos, Zambales ang bandila ng Pilipinas sa National Costume Competition ng Miss Grand International 2024 habang suot ang Anahaw-inspired costume, na siyang pambansang dahon ng Pilipinas.
Rumampa si CJ suot ang nakamamanghang likha ng fashion designer na si Patrick Isorena, na isang ensemble na luntian at ginto, at pinalamutian ng libu-libong gintong kristal, hardwire, at mga telang hugis dahon. Inilarawan niya ang Anahaw bilang simbolo ng tagumpay, at kumakatawan sa taglay na lakas ng mga Pilipino.
Si Opiaza ay kinoronahang Miss Grand International Philippines noong September 29 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City. Noong nakaraang linggo, napabilang siya sa top 20 candidates para sa Best in Swimsuit ng international pageant.
Gaganapin ang coronation night ng Miss Grand International sa Thailand sa October 25, 2024, kung saan layunin ni Opiaza na makuha ang kauna-unahang korona ng Pilipinas, kasunod ng mga pinakamataas na puwesto nina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020.
Comments

Chat Online