Offline
Olongapeño artist Von Randal, opisyal na kinuha ng Marvel Comics bilang illustrator
Entertainment
Published on 09/09/2024

Opisyal na kinuha ng Marvel Comics bilang illustrator si Von Randal, isang Pinoy artist mula Olongapo City.

Kamakailan lang ay pumirma si Von ng mga kopya ng Philippines-exclusive Transformers #1 40th Anniversary Edition cover na tampok ang Pinoy Jeepney. Ginanap ito sa Supermanila Comic Con sa Makati City.

Kasama rin sa mga bagong illustrators na kinuha ng Marvel sina Roi Mercado at ang watercolor artist na si Frany. Si Randal ay magdidisenyo ng Spider-Gwen: The Ghost-Spider #7, habang si Mercado naman ay gagawa sa interior art ng Venom War: Deadpool #3. Si Frany naman ang naatasang magdisenyo ng cover para sa Mystique #3.

Ayon kay Cebulski, malalim ang ugnayan ng Marvel Comics sa Pilipinas, dahil marami sa kanilang mga tagahanga ay mga Pilipino simula pa noong nagsimula ang Marvel sa industriya.

Ito rin ay patunay ng patuloy na pagkilala ng Marvel sa galing ng mga Pilipino sa comic book industry.

Comments

Chat Online